Lola na inabandona sa MacArthur Bridge sa Maynila, na-rescue ng mga tauhan ng MDSW

By Dona Dominguez-Cargullo September 03, 2020 - 11:09 AM

Nailigtas ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ang isang lola na inabandona MacArthur bridge sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno agad pinuntahan ng MDSW si ginang Fulgencia Tan matapos mag-viral ang kaniyang larawan na ibinahagi ng sa social media.

Nakita ang lola na nasa ilalim ng MacArthur Bridge.

Ayon sa post, inabandona ng isang tricycle driver ang lola sa ilalim ng tulay.

Naisailalim na din sa medical check-up si Tan at nasa pangangalaga ngayon ng MDSW.

Hinahanap na din ng MDSW ang kaniyang pamilya.

 

 

 

TAGS: MacArthur bridge, manila, MDSW, rescued senior citizen, MacArthur bridge, manila, MDSW, rescued senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.