“Marami pang kinakailangang gawin bago ang totoong survey sa Mayo”-Senator Marcos

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2016 - 12:40 PM

96-year old Miguel Tangonan managed to stop the convoy of vice presidential candidate Senator Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. when the latter alighted from his car to personally greet him in Sta. Rosa, Laguna.
Photo Release

Aminado si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na marami pang kinakailangang gawin bago ang2-16 elections sa Mayo.

Ito ang reaksyon ni Marcos sa kalalabas lamang na resulta ng bagong Pulse Asia survey.

Sa nasabing survey, statistically tied na sina Senator Francis Escudero at Marcos.

Si Escudero ay nakakuha ng 29% o apat na puntos na pagbaba sa 33% na nakuha niya noong January survey, habang si Marcos ay nakakuha naman ng 26% na may 3% na pagtaas na man kumpara sa nakaraang survey.

Ayon kay Marcos ang nasabing survey result ay pagkumpirma na ang kaniyang mensahe para sa pagkakaisa ay tinatanggap ng sambayanan.

Naglalarawan din aniya ito na talagang nag-aasam na ng tunay na pagbabago ang publiko. “Ito ay naglalarawan ng pag-asam ng buong bansa ng tunay na pagbabago sa pamamagitan ng pagkakaisa,” ayon kay Marcos.

Pero sinabi ni Marcos na marami pang kinakailangang gawin bago ang totoong survey na magaganap sa Mayo-ang araw ng eleksyon.

Kasabay nito, sinabi ng senador na tuloy ang gagawin niyang pagsisikap para maipahatid sa mga botante ang kaniyang mensahe ng pagkakaisa lalo na sa mga mahihirap. “Tayo’y lalong magsisikap na ihatid itong mensahe ng pagkakaisa sa ating mga kababayan, lalung-lalo na sa mga kapus-palad nating mga kapatid,” dagdag pa ng senador.

TAGS: Senator Marcos reacts on new Pulse Asia survey, Senator Marcos reacts on new Pulse Asia survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.