outbrain

Dwayne “The Rock” Johnson, pamilya nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo September 03, 2020 - 09:49 AM

Kinumpirma ni Dwayne Johnson na nagpositibo siya at kaniyang pamilya sa COVID-19.

Ayon sa aktor, siya at kaniyang pamilya ay nagpositibo sa sakit tatlong linggo na ang nakararaan.

Naging mahirap aniya ang sitwasyon para sa kanilang pamilya sa panahong iyon.

Mild lamang ang naging sintomas ng dalawa nilang anak na edad 4 at 2.

Pero mas mahirap ang naging kondisyon ni Johnson at asawa niyang si Lauren.

Sa ngayon, mabuti na aniya ang kondisyon nilang apat.

Pagaling na umano sila at hindi na maituturing na contagious.

Ayon kay Johnson maaring nakuha nila ang sakit sa malapit nilang kaibigan.

Hinimok ni Johnson ang publiko na mag-doble ingat sa sakit dahil hindi aniya biro ang matamaan nito.

 

 

 

 

TAGS: COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, Dwayne Johnson, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, The Rock, COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, Dwayne Johnson, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, The Rock

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.