Live-in partner ni Joy Durolfo at 3 iba pa, kinasuhan na ng murder

SolaireSimampahan na ng reklamong muder sa piskalya ang live-in partner ng hotel worker na si Edgel Joy Durolfo at tatlong iba pa.

Ito ay kaugnay sa pagkamatay ni Durolfo na assistant manager ng Solaire Resort and Casino.

Sa reklamong isinampa ng Parañaque City Police, kabilang sa mga kinasuhan ng murder sa Parañaque Prosecutors Office si Rodney Ynchausti, Josiebelle Uy, Molo Hwang at Paulo Egoc.

Ayon sa pulisya, batay sa resulta ng autopsy sa labi ng 26-anyos na si Durolfo, “asphyxia by manual strangulation” ang ikinamatay nito.

Dahil sa pormal na pagsasampa ng reklamo, sina Ynchausti, Hwang, Uy at Egoc ay pawang mga suspek na sa pagpatay kay Durolfo.

Si Duroflo ay nasawi sa ospital kung saan siya dinala ni Ynchausti kasama ang tatlong nabanggit alas 4:00 ng madaling araw noong February 26.

Sa kaniyang isinumiteng pahayag sa security investigators gn Solaire, sinabi ni Ynchausti na silang lima ay magkakasama sa hotel room nang gabing iyon at gumamit sila ng ecstasy.

Matapos umanong mag-take ng ecstasy sinabi ni Ynchausti na nakaranas si Durolfo ng hirap sa paghinga kaya pinaliguan niya ito at pinagpahinga, pero napansin na umano nilang nangingitim ang kaniyang mga kuko kaya dinala nila ito sa hotel clinic at idineretso sa ospital.

Sa kabila ng pahayag ni Ynchausti, naniniwala ang pamilya ni Durolfo na ito ay pinatay.

Read more...