Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 26 na bagong kaso ng sakit kahapon (Sept. 3).
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 19,103 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,233 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,124 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 104 dahilan para umabot na sa 15,746 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,659 cases.
598 na lang ang aktibong kaso sa Cebu City.
MOST READ
LATEST STORIES