Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales September 03, 2020 - 07:22 AM

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 179.69 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (September 3) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 180.06 meters.

Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 98.95 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 98.97 meters habang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 78.97 mas mababa sa antas nito kahapon na 78.99 meters.

Samantala, ang water level ng San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dams.

 

 

 

 

 

TAGS: dam, dam status, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, weather, dam, dam status, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.