43 crew kabilang ang 39 na Pinoy na lulan ng isang barko sa Japan, nawawala

By Dona Dominguez-Cargullo September 03, 2020 - 06:43 AM

Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang mga tauhan ng Japan Coast Guard sa mga nawawalang crew ng isang livestock carrier.

Naglalayag sa East China Sea ang Gulf Livestock 1 nang magpadala ito ng distress call pagsapit sa bahagi ng Amami-Oshima Island.

Lulan ng freighter ang 43 na dayuhang crew kasama ang 39 na Pinoy.

Ang Panamanian-registered vessel ay may sakay ding dalawang Australians at 2 New Zealanders.

Isa na sa mga Pinoy crew ang nailigtas ng coast guard at maayos naman ang kondisyon nito.

Hindi maganda ang panahon sa Japan kahapon dahil sa pananalasa ng Typhoon Maysak.

 

 

TAGS: East China Sea, Gulf Livestock 1, Inquirer News, News in the Philippines, Panamanian-registered vessel, Radyo Inquirer, search and rescue operations, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Maysak, East China Sea, Gulf Livestock 1, Inquirer News, News in the Philippines, Panamanian-registered vessel, Radyo Inquirer, search and rescue operations, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Maysak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.