Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 21,274

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (September 2, 3:00 PM) nakapagtala ng 542 na bagong kaso kaya pumalo na sa 21,274 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 4,439
Laguna – 7,903
Batangas – 3,407
Rizal – 4,403
Quezon – 1,122

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 12,825.

Nasa 7,949 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 561 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 1,073
Laguna – 3,452
Batangas – 1,453
Rizal – 1,338
Quezon – 633

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 7 kaya umabot na sa 500 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 87
Laguna – 119
Batangas – 87
Rizal – 170
Quezon – 37

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

Read more...