BARMM health minister at asawa nito, positibo sa COVID-19

Tinamaan ng COVID-19 ang BARMM health minister na si Dr. Saffrullah Dipatuan at asawa nito.

“Despite the precautionary measures we practice during this pandemic, this makes one realize just how vicious this virus is. It spares no one,” pahayag ni Dipatuan.

Sinabi nito na asymptomatic siya at nananatili sa isolation area sa Amai Pakpak Medical Center (APMC) sa Marawi City.

Nakararanas naman aniya ang kaniyang asawa ng mild to moderate symptoms at naka-isolate rin habang nagpapagamot.

Hiniling ni Dipatuan sa lahat ng kanilang nakasalamuha sa nakalipas na dalawang linggo na sumailalim sa isolation nang 14 araw at bantayan kung makakaranas ng sintomas ng COVID-19.

Sakaling makaranas ng sintomas, sinabi nito na huwag mag-alinlangang makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health facility.

Read more...