Lima sa walong Pinoy na nasugatan sa Abu Dhabi gas explosion, nakalabas na ng ospital

Nakalabas na ng ospital ang lima sa walong Filipino na nasugatan sa nangyaring gas explosion sa isang restaurant sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE).

Kinumpirma ito ng Department of Foreign Affairs, sa pamamagitan ng ulat mula sa Philippine Embassy sa Abu Dhabi.

Sinabi ng kagawaran na patuloy na nagpapagaling ang tatlo pang Filipino sa dalawang magkahiwalay na ospital.

Tiniyak naman ng DFA na patuloy na tinututukan ang sitwasyon ng Filipino community sa nasabing bansa.

Nakahanda anila ang DFA, sa pamamagitan ng embahada, na magpaabot ng anumang kakailanganing tulong.

Read more...