Ayon sa kalihim, hihintayin na lang niya sa bahay ang resulta ng kanyang swab test para malaman kung libre na muli ang kanyang katawan sa nakakamatay na virus.
Unang tinamaan ng COVID-19 ang kalihim noong Marso 31 at nakarekober noong Abril 13.
Paniwala ni Año, muli niyang nakuha ang sakit sa kanyang tanggapan sa Camp Crame.
Aniya, hindi niya alam na karamihan sa kanyang mga tauhan ay taglay na ang virus.
Pinag-aaralan na ng DOH kung maituturing na ‘re-infection’ ang nangyari sa kalihim.
MOST READ
LATEST STORIES