Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (September 2) 4,220 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
710 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,867 ang suspected cases.
96 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 2,938 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 16 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES