Escudero 29%, Marcos 26% sa latest Pulse Asia survey
Statistically tied na sina Senators Francis Escudero at Bongbong Marcos para sa first choice vice-presidential preference ng Pulse Asia.
Sa isinagawang survey ng Pulse Asia noong February 15 hanggang 20, tinanong ang 1,800 respondents kung sino ang iboboto nila kung sa nasabing petsa gagawin ang eleksyon.
Si Escudero ay nakakuha ng 29% o apat na puntos na pagbaba sa 33% na nakuha niya noong January survey, habang si Marcos ay nakakuha naman ng 26% na may 3% na pagtaas na man kumpara sa nakaraang survey.
Nasa ikatlong pwesto si Liberal Party Bet Leni Robredo na may 19% na mas mataas ng 1% sa 18% na nakuha niya noong nakaraang January survey.
Si Senator Alan Cayetano naman ang nasa ikaapat na pwesto na nakakuha ng 12% na mas mababa ng 2% sa January survey.
Panglima si Senator Antonio Trillanes IV na may 6% o 2% na pagtaas sa nakuha niyang 4% lang noong nakaraang buwan at nasa ikaanim na pwesto si Senator Gringo Honasan na nakakuha ng 3%.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.