Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City, higit 3,400 na

Umabot sa 42 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Dahil dito, 3,431 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (September 2), sa nasabing bilang ay 765 ang aktibong kaso.

783 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 524 ang suspected cases.

Samantala, 2,545 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 121 naman ang nasawi.

Read more...