Laboratoryo kung saan nagmula ang nagkalat na rapid test kits sa Maynila, pinatawan ng show cause order

By Angellic Jordan September 02, 2020 - 07:56 PM

Natukoy na ng Manila City government ang laboratoryo kung saan nagmula ang nagkalat na rapid test kits sa Sampaloc, Maynila.

Nakita ang mga nagkalat na rapid test kits sa kahabaan ng M. Dela Fuente Street.

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), pumunta si Bureau of Permits Director Levi Facundo sa CP Diagnostics Center sa Quiapo para sa pag-isyu ng show cause order.

Pinatawan ng show cause order ang nasabing laboratoryo para pagpaliwanagin kung bakit hindi dapat sila kasuhan sa improper disposal ng hazardous waste tulad ng rapid test kits.

Tatlong araw ang ibinigay na palugit para makapagpaliwanag ang laboratoryo sa insidente.

TAGS: CP Diagnostics Center, improper disposal of hazardous waste, Inquirer News, Manila Bureau of Permits, Radyo Inquirer news, show cause order, CP Diagnostics Center, improper disposal of hazardous waste, Inquirer News, Manila Bureau of Permits, Radyo Inquirer news, show cause order

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.