Olongapo Court, ipinag-utos ang pagpapalaya kay US Marine Pemberton
Ipinag-utos ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74 ang pagpapalaya kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Na-convict si Pemberton sa kasong homicide dahil sa pagpatay sa transgender woman na si Jennifer Laude noong 2014.
Sa inilabas na desisyon na may petsang September 1, ikinonsidera ng korte sa inihaing Partial Motion for Reconsideration ni Pemberton ang good conduct time allowance o GCTA nito.
Sinabi na napagsilbihan na ni Pemberton ang maximum penalty na 10 taon.
Dahil dito, ipinag-utos ng korte sa Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapalaya sa dayuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.