Ito ay kahit na inirekomenda na ng Senado na sampahan ng kasong malversation of public funds si Duque dahil sa anomalya sa PhilHealth.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hinihintay pa ni Pangulong Duterte ang resulta ng imbestigasyon ng binuong task force ng Department of Justice (DOJ).
Sa September 14 aniya inaasahang matatapos ang imbestigasyon ng task force.
“Si Presidente naman po ay nagtitiwala pa rin kay Secretary Duque pero antayin po natin ang rekomendasyon ng task force dahil kung meron din ganyang rekomendasyon ang task force ay rerspetuhin din ng Presidente ang rekomendasyon,” pahayag ni Roque.
MOST READ
LATEST STORIES