Mga naimprentang balota, inilipat sa warehouse sa Marikina
Sinimulan ngayong umaga ng Commission o Elections ang paglilipat sa mga naimprenta nang balota.
Ayon sa Comelec Packing and Shipping Committee ang mga balota na tapos nang iimprenta ay dadalhin sa warehouse ng National Printing Office (NPO) sa Marikina.
Ang nasabing warehouse sa Noah Process and Materials Incorporated sa Marcos Highway sa Marikina ay nirentahan para pagtaguan ng mga balota bago ibayahe sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Tiniyak ng Comelec na sapat ang seguridad sa warehouse at walang basta-basta makakapasok sa lugar.
Sa ngayong aabot na sa 16.4 milyong mga balota ang natapos nang iimprenta sa NPO.
Sa nabanggit na bilang, nasa 7.3 million na ang naisailalim sa verification.
Ayon sa Comelec, bukas para sa mga accredited political parties, party list organization at mga citizens arm ng Comelec ang proseso ng paglilipat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.