Consumer dapat protektahan laban sa mislabelling ayon sa isang kongresista
Panahon na para tutukan ang mga produkto na ibenibenta online.
Iyan ang pahayag ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho “Koko” Nograles matapos ang tahasang mislabelling sa isang beauty product sa Binondo, Maynila kung saan nakalagay na address ay Manila, Province of China.
Giit ni Nograles, may mga sapat na batas laban sa tinatawag na “mislabelling.”
Pero sa ngayon, ang mas tutukan dapat ay ang proteksyon ng mga consumers sa mga online products.
“Existing laws are sufficient at the moment. The whole “Manila Province” issue proved that laws and penalties are in place, so as long as these are enforced,” pahayag ni Nograles.
“If there’s any legislative effort needed, it would be online consumer protection by required registration,” dagdag ni Nograles.
Marami na rin ang mga online sellers ngayon kung saan nagbebenta mula sa pagkain, hanggang sa mga gamit, gadgets at damit.
Nagsalita na ang Bureau of Internal Revenue na dapat ay magparehistro ang mga online sellers para sa proteksyon ng consumers.
Matatandaan na ibinunyag ni Nograles na isang paghamak ang ginawa na paglalagay na Province of China ang Manila, sa packaging ng isang beauty product.
Iniimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ), Department of Trade and Industry (DTI), at Bureau of Immigration (BI) ang mislabelling na ito.
Maging si Manila Isko Moreno ay nagbabala na rin na ipasasara ito dahil sa nangyari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.