Doktor ni US Pres. Donald Trump itinangging na-stroke ang presidente

By Dona Dominguez-Cargullo September 02, 2020 - 11:16 AM

Itinanggi ng personal na doktor ni US President Donald Trump na nagkaroon ito ng stroke noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Tugon ito ng pamahalaan ni Trump sa librong isinapubliko na nagsasaad na noong nakaraang taon si US Vice President Mike Pence ang nag-assume sa presidential powers dahil sa pagpapagamot ni Trump.

Kinailangan umanong sumailalim sa procedure ni Trump.

Pero maging mismong si Pence ay nagsabi na hindi siya inilagay bilang standby president.

Sa pahayag, sinabi ni Dr. Sean Conley na hindi nagkaroon ng stroke si Trump noong nakaraang taon.

Hindi rin aniya nagkaroon ng anumang acute cardiovascular emergencies ang presidente.

Sa libro na mayroong titulong “Donald Trump v. The United States,” sinabi ni New York Times reporter Michael Schmidt nakitang bumibisita sa ospital si Trump noong Nobyembre.

 

 

 

TAGS: donald trump, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, stroke, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, donald trump, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, stroke, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.