Labi ng 264 na mga pumanaw na OFWs naiuwi na sa bansa simula nang magkaroon ng pandemic
By Dona Dominguez-Cargullo September 02, 2020 - 10:41 AM
Umabot na sa 264 na mga nasawing Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naiuwi sa bansa ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ang nasabing datos ayon sa OWWA ay mula nang magkaroon ng pandemic ng COVID-19.
Sa 264 na mga OFWs na pumanaw, 170 ay nasawi dahil sa COVID-19.
Iniuwi ang mga labi sa pamamagitan ng apat na mass repatriation efforts ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.