Nagkalat na gamit nang rapid test kits sa Maynila, nahulog mula sa bisikleta

By Dona Dominguez-Cargullo September 02, 2020 - 09:45 AM

Nahanap na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pinanggalingan ng mga nagkalat na rapid test kits sa Sampaloc, Maynila.

Nagdulot ng pagkabahala sa mga residente nang makita nila ang mga gamit nang rapid test na nagkalat sa bahagi ng M. Dela Fuente Street.

Sa video mula kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, nakita sa CCTV na mayroong sidecar na dumaan sa lugar malapit sa Trabajo Market na may dalang mga sako.

Nahulog ang isang sako sa naturang lugar at iyon ang dahilan ng pagkalat ng test kits.

Martes ng gabi ay pinalinis na ni Moreno ang lugar na pinagkalatan ng test kits.

 

 

 

 

 

TAGS: cctv, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, manila, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rapid test kits, Sampaloc, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, test kits, cctv, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, manila, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rapid test kits, Sampaloc, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, test kits

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.