Ayon sa embahada, ang chartered flights at commercial flights sa ilalim ng Free Voluntary Mass Repatriation Program ay pinopondohan gamit ang buwis ng mamamayang Filipino.
Dahil dito, ang pag-backout o pag-atras kapag naaprubahan na ang repatriation at nabayaran na ang ticket ay malaking pagsasayang ng pondo.
Ginawa ng embahada ang pahayag dahil may ilang Pinoy ang biglang nagba-backout o hindi na lang sumisipot sa mismong araw ng flight.
Dahil dito, lahat ng nag-backout at no-show sa kanilang flights sa ilalim ng libreng Voluntary Mass Repatriation Program ay isasailalim na sa blacklist.
Hindi na sila makakasamang muli sa mga susunod pang chartered flights ng embahada.