Global cases ng COVID-19 25.8 million na
Umabot na sa mahigit 25.8 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes (Sept. 2) ay 25,889,096 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 257,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 40,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 41,000 ang dagdag sa kaso ng Brazil habang mahigit 78,000 ang bagong kaso na naitala sa India.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 6,256,445
Brazil – 3,952,790
India – 3,766,108
Russia – 1,000,048
Peru – 657,129
South Africa – 628,259
Colombia – 624,069
Mexico – 599,560
Spain – 470,973
Argentina – 428,239
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.