Batay sa Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs na nakalap ng Radyo INQUIRER, ang mga pagyanig ay bunsod ng pagkakaroon ng proseso ng rock-fracturing sa bulkan.
May naitala ring mahinang steaming activity sa bulkan na ang taas ay umabot sa 20 meters.
Nakataas pa rin ang Alert Level 1 (Abnormal) sa Mt. Taal at inabisuhan ang publiko na maaring magkaroon ng sudden steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, at minor ashfall.
Bawal pa rin ang pumasok sa Taal Volcano Island at sa Permanent Danger Zone ng bulkan partilukular sa bisinidad ng main crater at sa Daang Kastila fissure.
MOST READ
LATEST STORIES