Sa datos mula sa Pulse Asia, sa kabila ng pagbaba mula sa 30% noong Enero sa 26% na lamang ngayong Pebrero, nananatiling si Poe ang nangunguna sa survey.
Sumusunod naman kay Poe si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 25% o pagtaas ng 2 points mula sa 23% noong Enero.
Dahil sa nakuhang ratings, statistically tied na sina Poe at Binay.
Kapwa naman nakakuha ng 21% sa survey sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Liberal Party bet Mar Roxas.
Habang si Senator Miriam Defensor – Santiago ang panglima at nakakuha ng 3% na mas mababa din nng isang puntos mula sa 4% noong nakaraang buwan.
Isinagawa ng Pulse Asia ang bagong survey noong February 15 hanggang 20 na kasagsagan na ng panahon ng pangangampanya.