Poe at Binay, dikit na sa bagong Pulse Asia survey

By Dona Dominguez-Cargullo March 04, 2016 - 10:07 AM

bipoeBumaba ng apat na puntos ang nakuhang rating ni Senator Grace Poe sa pinakabagong pre-election survey ng Pulse Asia.

Sa datos mula sa Pulse Asia, sa kabila ng pagbaba mula sa 30% noong Enero sa 26% na lamang ngayong Pebrero, nananatiling si Poe ang nangunguna sa survey.

Sumusunod naman kay Poe si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 25% o pagtaas ng 2 points mula sa 23% noong Enero.

Dahil sa nakuhang ratings, statistically tied na sina Poe at Binay.

Kapwa naman nakakuha ng 21% sa survey sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Liberal Party bet Mar Roxas.

Habang si Senator Miriam Defensor – Santiago ang panglima at nakakuha ng 3% na mas mababa din nng isang puntos mula sa 4% noong nakaraang buwan.

Isinagawa ng Pulse Asia ang bagong survey noong February 15 hanggang 20 na kasagsagan na ng panahon ng pangangampanya.

TAGS: latest pulse asia survey, latest pulse asia survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.