64 na dagdag na kaso ng COVID-19 naitala sa Central Visayas; 8 pa ang nasawi

By Dona Dominguez-Cargullo September 02, 2020 - 07:42 AM

Sumampa na sa mahigit 19,000 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 64 na bagong kaso ng sakit kahapon (Sept. 1).

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 19,078 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,321 na lang ang aktibong kaso.

Umabot naman na sa 1,115 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.

Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 78 dahilan para umabot na sa 15,642 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,653 cases.

644 na lang ang aktibong kaso sa Cebu City.

 

TAGS: Central Visayas, covid cases, covid pandemic, covid update, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Central Visayas, covid cases, covid pandemic, covid update, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.