Chile niyanig ng magnitude 6.5 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo September 02, 2020 - 06:42 AM
Muling nakaranas ng malakas na pagyanig sa Chile.
Sa datos ng US Geological Survey, tumama ang magnitude 6.5 na lindol sa nasabing bansa alas 5:09 ng umaga oras sa Pilipinas.
Ang pagyanig ay naitala sa 62 kilometers ng Huasco.
Sa karagatan tumama ang sentro ng lindol.
Kahapon ay may naitala ding malakas na magnitude 6.8 na lindol sa Huasco, Chile.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.