Number coding mananatiling suspendido – MMDA

Mananatiling suspendido ang pag-iral ng number coding sa Metro Manila.

Kasunod ito ng papapalawig sa pag-iral ng general community quarantine sa NCR.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mananatiling suspendido indefinitely ang number coding.

Lifted din ang lahat ng regulasyon kaugnay sa truck lanes, truck ban hours at light truck ban.

Sa Makati City, umiiral na ang modified number coding simula nang isailalim sa GCQ ang Metro Manila.

 

 

 

 

 

Read more...