Serbisyo ng dalawang ospital sa Antipolo nilimitahan dahil sa kaso ng COVID-19
Limitado muna ang serbisyo ng dalawang ospital sa Antipolo City matapos na ilang staff ang magpositibo sa COVID-19.
Simula kahapon ay isinara ang OB at Pedia Department ng Rizal Provincial Hospital System (RPHS) – Antipolo Annex 1 sa Brgy. de la Paz.
Wala din munang gagawing operating room (OR) procedures sa ospital para mabigyang-daan ang pagsasagawa ng disinfection.
Ayon sa abiso ng Antipolo City Government na nakuha ng Radyo INQUIRER, ilang empleyado ng ospital ang nagpositibo sa COVID-19.
Mamayang hapon inaasahang maibabalik ng buo ang serbisyo ng ospital.
Samantala, itinigil din muna ang admission sa emergency room at outpatient department (OPD) ng RPHS Antipolo Annex 2 sa Brgy. Dalig.
Tatlong araw ang gagawing disinfection activities sa buong ospital matapos magpositibo ang mahigit isang dosenang frontliners nito.
Sa Biyernes, September 4, 2020 inaasahang maibabalik sa normal ang operasyon ng pagamutan.
Bukod sa disinfection activities, sinimulan na rin ang contact tracing activities sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibong hospital staff.
Pinapayuhan ang mga apsyente na magtungo muna sa Antipolo City Hospital System Annex 3 sa Cabading o sa Annex 4 sa Bgy Mambugan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.