Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 20,732

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (September 1, 3:00 PM) nakapagtala ng 186 na bagong kaso kaya pumalo na sa 20,732 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 4,325
Laguna – 7,736
Batangas – 3,296
Rizal – 4,284
Quezon – 1,091

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 12,851.

Nasa 7,388 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 464 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 1,073
Laguna – 3,041
Batangas – 1,433
Rizal – 1,313
Quezon – 528

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 4 kaya umabot na sa 493 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 87
Laguna – 117
Batangas – 85
Rizal – 167
Quezon – 37

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Mary Rose Cabrales

Excerpt: 493 na ang bilang ng mga nasawi sa rehiyon.

Read more...