Agno, Pangasinan niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa datos ng Phivolcs na nakuha ng Radyo INQUIRER, naitala ang pagyanig sa 42 kilometers northwest ng bayan ng Agno, alas-2:49 madaling araw ng Miyerkules (September 2).

May lalim na 3 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.

 

 

 

Read more...