45 pang COVID-19 recoveries, napaulat sa Navotas City

Nadagdagan pa ng 31 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Martes ng gabi (September 1), umakyat na sa kabuuang 4,369 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 490 ang aktibong kaso o katumbas ng 11.2 porsyento.

45 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 3756 na ang total recoveries o 86 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili naman sa 123 ang pumanaw o 2.8 porsyento.

Read more...