Kim Jong-un ng North Korea, ipinahanda ang kanilang nuclear weapons

EPA AFP Photo
EPA AFP Photo

Iniutos ni North Korean leader Kim Jong-un na ihanda na ang kanilang mga nuclear weapon.

Ayon kay Kim, ihahanda rin nila ang kanilang mga sundalo sakaling kailanganin sa mga pre-emptive attacks.

Kahapon, nagpakawala ng anim na short-range missiles ang North Korea sa east coast ilang oras matapos ipataw ng United Nations Security Council ang parusa laban sa kanila.

Lumipad ng aabot sa 100 hanggang 150 kilometers ang missiles at bumagsak sa karagatan.

Kaugnay nito, nanawagan ang US Defense Department na iwasan ang mga hakbang na tila paghahamon at maaring pag-ugatan ng tensyon.

Ayon kay Pentagon spokesman Commander Bill Urban, minomonitor na nila ngayon ang sitwasyon sa Korean Peninsula matapos ang ulat na ipinahanda ni Kim ang kanilang nuclear weapons.

Read more...