Mga bumbero ng Batangas City nag-despedida party, sibak!

By Jan Escosio September 01, 2020 - 10:49 PM

INQUIRER.net photo

Tinanggal sa puwesto ni Interior Secretary Eduardo Año ang lahat ng mga opisyal at tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Batangas City dahil sa pagdalo sa despedida party.

Nabatid na ang pagtitipon ay para kay City Fire Marshall Elaine Evangelista dahil sa paglipat nito sa Biñan City Fire Department.

Sinabi ni DILG spokesman Jonathan Malaya na nagpalabas na ang BFP ng show cause order sa lahat ng kanilang mga tauhan sa Batangas City dahil sa paglabag sa IATF protocols ukol sa mass gathering.

Gayundin aniya ang BFP Internal Affairs Service at ang kanilang Calabarzon Regional Office ay iniimbestigahan na rin ang pangyayari.

Nangyari ang pa-party kay Evangelista noong Agosto 21 sa isang resort-hotel sa lungsod at base sa nagsulputang pictures, hindi nakasuot ng mask ang mga dumalo at wala ring physical distancing.

Binawi na rin ni Año ang bagong assignment ni Evangelista, na sinabing hindi sila lumabag sa basic safety protocols.

TAGS: BFP Batangas City, despedida party, IATF protocol violation, Inquirer News, Jonathan Malaya, Radyo Inquirer news, Sec. Eduardo Año, show cause order, BFP Batangas City, despedida party, IATF protocol violation, Inquirer News, Jonathan Malaya, Radyo Inquirer news, Sec. Eduardo Año, show cause order

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.