Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 1, umakyat na sa 10,086 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 73 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,157 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
47 naman ang bagong gumaling kung kaya 6,174 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, walang napaulat na nasawing overseas Filipino.
Dahil dito, nanatili sa 755 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Ito na ang ikaapat na araw na walang naitalang nasawing Pinoy abroad dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,968 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,166 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 795 naman ang kaso sa Americas at 1,157 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.