BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, 224,264 na
Mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (September 1), umabot na sa 224,264 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 62,655 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,483 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.3 porsyento ang asymptomatic; 1.0 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 93 out of 110 licensed laboratories.
Nasa 39 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 3,597 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 464 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 158,012 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.