Publiko, maaaring lumahok sa pagtalakay sa panukalang pondo para sa 2021

By Erwin Aguilon September 01, 2020 - 05:47 PM

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na maaaring direktang makalahok ang publiko sa pagtalakay sa 2021 national budget.

Ayon kay Cayetano, mahalagang marinig ang saloobin ng publiko dahil pera ng taumbayan ang pinag-uusapan.

Pagmamalaki ng lider ng Kamara, ito ang kauna-unahan sa kasaysayan na mapapayagan ang taumbayan na makilahok sa pagdinig ng budget sa susunod na taon.

Dahil dito, hinikayat ng opisyal ang publiko na gamitin ang social media at iba pang platforms para maiparating sa kanilang mga kinatawan ang pagnanais na makapag-participate sa budget hearings.

Ngayong linggo ay nakatakdang magpulong ang liderato ng Kamara upang talakayin ang mechanics at protocols na dapat sundin ng publiko sa kanilang magiging partisipasyon.

Sa darating na Biyernes, September 4, sisimulan na ang budget hearing sa Kamara kung saan unang sasalang ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) at pag-uusapan ang financing sa budget, prayoridad sa bawat sektor, mga polisiya, at inisyatibo na mahalaga para sa deliberasyon ng pambansang pondo.

TAGS: 18th congress, 2021 budget, 2021 national budget, Alan Peter Cayetano, budget hearing, Inquirer News, Radyo Inquirer news, 18th congress, 2021 budget, 2021 national budget, Alan Peter Cayetano, budget hearing, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.