Occidental Mindoro Gov. Gadiano, ligtas matapos ang tangkang pananaksak

Nakaligtas si Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano sa tangkang pananaksak sa kaniya.

Tinangkang saksakin ang gobernador sa loob mismo ng opisina nito sa kapitolyo sa bayan ng Mamburao bandang 10:00, Martes ng umaga, September 1.

Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang suspek na si Adriane Gatdula.

Si Gatdula ay residente rin ng nasabing probinsya.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa likod ng pag-atake kay Gadiano.

Read more...