Ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan
Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang probinsya sa Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:37 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Zambales, Bataan, Pampanga, Laguna, Quezon at Rizal.
Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Tarlac partikular sa Concepcion, Bamban, San Jose at Tarlac City; Nueva Ecija sa San Antonio, Jaen, San Leonardo at San Isidro.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.