P19M multang ipinataw ng ERC sa Meralco, barya lamang – Rep. Zarate

By Erwin Aguilon September 01, 2020 - 01:27 PM

Mas malaking halaga pa ang dapat ibalik ng Manila Electric Company o Meralco sa kanilang mga consumer dahil sa mataas na singil noong kasagsagan ng mas mahigpit na community quarantine.

Ayon kay Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate, barya lamang para sa kumpanya ang P19 milyong multa na ipinataw dito ng Energy Regulatory Commission o ERC.

Hindi rin, sabi ni Zarate, mapupunta sa Meralco consumers ang multang ipinataw dito ng regulatory body.

Hinikayat din nito ang Commission on Audit (COA) na magsagawa ng full audit sa Meralco upang malaman ang totoong halaga na dapat nitong isauli sa mga consumer lalo pa’t sa panahon ngayon na kailangang-kailangan ng publiko ng assistance.

Sinabi pa ng kongresista na dapat ay P66 billion ang dapat na maibalik sa consumers mula sa sobrang singil ng Meralco noong 2019.

Lumalabas aniya na noong 2019 ay idineklara ng Meralco sa kanilang audit financial statement na P240 billion ang inabot ng power cost pero P179 billion lamang talaga ang halaga ng generation purchase ng kumpanya.

Bukod dito, naitala din ang P13.03 billion na discrepancy sa power purchased ng Meralco noong nakaraang taon matapos na ideklara ng kumpanya na P46.871 billion ang halaga ng purchased power nito pero aabot lamang pala sa P33.585 billion ang halaga ng lahat ng generation sources kasama ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

TAGS: COA, erc, Inquirer News, Meralco, Radyo Inquirer news, Rep Carlos Zarate, COA, erc, Inquirer News, Meralco, Radyo Inquirer news, Rep Carlos Zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.