Curfew sa Metro Manila 10PM to 5AM na
Simula ngayong araw September 1, 2020 ipatutupad na ang adjusted curfew hours sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque mula sa 8PM to 5AM na curfew ay gagawin nang 10PM to 5AM ang ipatutupad na curfew sa Metro Manila.
Ang nasabing oras ng curfew ay ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan sa buong Metro Manila maliban lamang sa Muntinlupa City at sa Navotas City.
Ayon kay Roque, nagpasa ng ordinansa sa Muntinlupa na nagpapairal ng curfew hours mula 10PM to 4AM.
Habang 8PM to 5AM pa rin ang curfew sa Navotas City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.