DOH hindi dapat ipagamit ang rapid test sa pagsusuri ng COVID-19

By Erwin Aguilon September 01, 2020 - 11:52 AM

Isinusulong ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na hikayatin ang Department of Health na huwag ipagamit ang rapid test sa pag-screen ng COVID-19.

Base sa House Resolution 1146 ni Rodriguez, nais nito na ang RT-PCR o swab test lamang ang ipagamit ng Department of Health.

Ipinapakita anya ng swab test ang “actual presence” ng virus habang rapid test ay nakaka-detect lamang ng antibodies na inilababas ng katawan bilang reaksyon sa isang ‘infectious agent’ tulad ng virus.

Nababahala ang kongresista na sa kabila ng mga testimonya at patunay ng mga eksperto na hindi epektibo ang rapid test ay marami pa ring establisyimento at kumpanya ang gumagamit ng RAT para i-test ang kanilang mga manggagawa at empleyado sa COVID-19 bago makabalik ng trabaho.

Dahil sa maling resulta ng rapid test ay maraming mga indibidwal ang isinailalim sa quarantine dahil sa false-negative result habang marami naman sa m ga may impeksyon ng coronavirus ay cleared o negative sa rapid test at hindi alintana na naikakalat na pala nila ang sakit.

Pinaniniwalaan din aniya ng mga eksperto ang maling clinical decisions sa maling resulta ng rapid test ang naging ugat din ng pagtaas ng kaso ng impeksyon sa Metro Manila.

Kabilang anya sa mga bansa na nagbabawalsa paggamit ng rapid test ay ang Australia, UAE at India.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rapid test, RT PCR Test, State of Emergency, swab test, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rapid test, RT PCR Test, State of Emergency, swab test, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.