Mga customer ng Meralco maaring humingi ng kompensasyon ayon kay Rep. Herrera
Iginiit ni Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera na maaaring humingi ng kumpensasyon ang mga customers ng Meralco na lubhang nahirapan sa “bill shock” na siningil ng kumpanya sa kasagsagan ng mahigpit na community quarantine.
Ayon kay Herrera, maaaring ituloy ng mga Meralco customers ang paghingi ng kabayaran sa idinulot na mahal na singil sa kuryente.
Hindi aniya maitatanggi na ang “bill shock” ay nagresulta sa stress at anxiety ng mga tao na pilit na iginagapang ang buhay sa araw-araw sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Naniniwala ang lady solon na may karapatan ang publiko sa kompensasyon lalo na ang mga nakaranas ng matinding abala at kagipitan.
Napakaliit lamang ayon kay Herrera ang P19 Million na multa ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco nararapat na ibalik ng kumpanya ang dagdag na kabayaran sa mga naabalang costumers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.