Financial statement ng PhilHealth bubusisiin ng bagong presidente

By Dona Dominguez-Cargullo September 01, 2020 - 10:46 AM

Bubusisin ni bagong PhilHealth President Dante Gierran ang financial status ng ahensya.

Ayon kay Gierran, kasunod ito ng mga alegasyon na hindi na kakayaning makaraos ng PhilHealth sa susunod na dalawang taon bunsod ng kasalukuyang financial status nito.

Ani Gierran sa pagsisimula niya sa trabaho, aalamin niya kung magkano ang nalalabing pera sa ahensya.

Sa mga nagdaang pagdinig sinabi ng mga opisyal ng PhilHealth na sa 2021 ay delikado na ang lagay ng pondo ng ahensya dahil sa pandemic ng COVID-19.

Kabilang naman sa mga unang utos ni Pangulong Duterte kay Gierran ay ang sibakin sa pwesto ang mga regional vice president ng ahensya.

 

 

 

TAGS: dante gierran, financial status, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, dante gierran, financial status, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.