Comelec offices sa QC sarado muna ngayong araw
By Dona Dominguez-Cargullo September 01, 2020 - 09:07 AM
Wala munang voter registration ngayong araw sa mga tanggapan ng Commission on Elections sa Quezon City.
Sa abiso sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na magsasagawa emergency disinfection ngayong araw sa lahat ng Quezon City Comelec offices.
Dahil dito ang voter registration sa QC ay sisimulan na lamang bukas, Sept. 2.
Magugunitang inanunsyo ng Comelec na simula ngayong araw ay maari na muling magtungo sa Comelec offices ang publiko para magparehistro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.