Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 120 na bagong kaso ng sakit kahapon (Aug. 31).
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 19,018 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,342 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,107 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Central Visayas.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 47 dahilan para umabot na sa 15,569 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,634 cases.
MOST READ
LATEST STORIES