Bagong PhilHealth president, mabuting tao ayon kay Sen. Lacson

Welcome kay Senator Panfilo Lacson ang pagpili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Dante Gierran bilang bagong presidente ng PhilHealth.

Ayon kay Lacson, mabuting tao si Gierran.

Umaasa umano siyang hindi magiging “Dante’s Inferno” ang PhilHealth.

Si Gierran na ilang taon nanilbihan bilang NBI director ang pinili ng pangulo para pumalit kay Ricardo Morales.

Haharapin ni Gierran ang matinding hamon sa ahensya lalo pa ngayong nababalot ito ng isyu kurapsyon at nahaharap sa kaliwa’t kanang imbestigasyon.

 

 

 

 

Read more...