Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 3,700

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Linggo, August 30) , nadagdagan ng 52 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 3,700.

Sa nasabing bilang 1,252 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 220 kung saan 1 ang nadagdag.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 5,172.

 

 

Read more...